Parang 'di ako makapaniwala... mag-si-seventy na si Tatay. Parang a couple of years ago lang, mukhang nasa early 40's lang si Tatay. Pero nung nag-retiro s'ya, bigla syang tumanda.
Napa-isip nga ako, kaninang madaling araw... pa'no kaya pag nawala na si Tatay... or kahit si Nanay? Parang pinitpit 'yong puso ko, nalungkot ako ng matindi, napaiyak ako. 'Di ko na sila madalas nakikita ngayon, pano pa kaya 'yong for the rest of your mortal life?
Sometime last week, may nakitang medical exam result si Tabits (bunso kong kapatid) sa kotse ni Tatay. Nabasa n'ya daw, may cancer cells na nakita kay Tatay, pero kailangan pa daw ulit ni Tatay magpatingin ulit ng darating na Sabado noon. Kaso, 'di naman pumunta si Tatay. Kaya... hanggang ngayon, 'di namin alam kung ano ba talaga 'yong initial na finding na yun. No'ng nagka-usap naman kami ng huli, kailangan daw s'yang operahan sa testicles n'ya. If I heard right, kailangan na daw alisin pareho.
Nung nalaman ko 'tong mga bagay na 'to, I wasn't really bothered, kasi may Diyos ako, eh. Pero ang weird, 'no? Kasi nang ginawa ko 'tong invitation ni Tatay, saka ko na-realize na matanda na nga pala si Tatay, eventually, kukunin na s'ya ng Panginoon sa amin, saka ako biglang napa-isip... pati si Nanay naisip ko din.
Madalas kong naririnig sa mga funerals sabihin ito... nothing prepares us for death. Di natin alam kung kelan s'ya dadating, kahit yung mga may taning na ang buhay, napapa-aga or na-de-delay. Ang tanging preparation lang na alam ko, 'yong paghahanda ng sarili ko para do'n sa destinasyon ko sakali nga'ng bigla akong mamatay. Hindi 'yong lote na pag-lalagyan ko, ano ba? Yung DOON na tutuluyan ko for eternity. Do'n ako papunta. May kasiguruhan ako. Kaso, nakakalungkot pa din kung mawala na nga sila Nanay at Tatay. 'Di ko alam sa totoo lang kung anong mangyayari sa akin, pero ipapasa-Diyos ko na lang.
Siguro, dapat hinahanda ko na din sarili ko kung dumating na nga 'yong panahon na 'yon. Pero anong klaseng preparation naman ang gagawin ko? Sa ngayon, hindi ko pa alam, pero ma-pi-figure out ko din 'to. Promise yan!!! ;)
happy 70th birthday sa TATAY mo kua nio!!! :)
ReplyDeletequestion lng: tatagal kya ako ng ganyang edad,,,,hmmm?
regards to your folks, Nio!
ReplyDeleteand a happy, blessed birthday to your tatay. :)
good reflection!
Live a healthy life. Si Tatay, nag-e-exercise, di umiinom, lalong di naninigarilyo. And be good to your parents, kasi ito yung law sa Bible na may promise. ;)
ReplyDeleteSalamat po. Sa August 16 po namin gagawin yung celebration. Kainis nga, eh, kaka-gantso lang sa amin ng P2600 ng nagpanggap na taga MERALCO daw... haaaaayyyyyy... kung kelan talaga kailangan ng pera, saka daming aberya.
ReplyDeleteStill, GOD IS FOREVER GOOD!!! :>
I feel you. Kaka-73 lang ni Papa and I find myself asking the same questions.
ReplyDeleteSo, how do we prepare for that? Di ba? HAiz!!!
ReplyDeleteI don't think anyone is EVER prepared for it. No matter how real that end is.
ReplyDeletenaiyak ako... ewan.. cguro kasi nasa malayo ako sa nanay ko at naalala ko cxa.. tumatandang wala ako sa tabi nya.. well thats the reality of life.. lahat tatanda....at hindi natin alam kung hanggang kelan tayo sa mundo.. happy ako at si tatay bern reach 70.. happy birthday to him...
ReplyDeletehey brod.,if you could take advantage the time your spending with you dad that would be great , kasi you will realize when his gone saka mo siya "ma-mimiss", it happens to me until now since he left us 8 years ago. , how i wish he still around watching basketball together or just simply have a good conversation.
ReplyDeletekakalungkot naman... pero all of us will be facing that situation. i share the same sentiments.
ReplyDeletebuti umabot ng 70 years old ang tatay mo, ang tatay ko hanggang 60 lang but i spend wonderfull years with him...lahat kaming magkakapatid ni-spoil nya...he gave us great life and education and we gave him obedience and good grades in school...kaya lang di nya naabot ang ano mang narating namin at yung apat nyang cute na apo...but we shower all our love to our mom who is alive...to your dad nio, happy 70th birthday...that's right spend more time with him (narito sila right?)
ReplyDeleteAbsence makes the heart grow fonder, di ba? Nakakalimutan natin yung mali or nakaka-inis na ugali nila. He he.
ReplyDeleteMinsan mahirap din, but we do try to see him every chance we can. When I was younger, it was horror films I remember watching with my Dad.
ReplyDeleteThe younger years with him and Nanay is what I miss now kahit andito pa sila. Thanks, John!!!
Your Dad misses you, Chris. Eating breakfast isn't the same daw ngayong wala ka pa. :)
ReplyDeleteSi Tatay sa bahay namin sa Cavite nakatira, si Nanay sa New York, kami dito sa Makati. We try to keep in touch every chance we can naman. Thanks, Te Marie. :)
ReplyDeletei remember when my dear Mama died several years ago. A week before she died, God amazingly prepared our hearts. Things went so fast. there were laughter, smiles that brought hope, discouraging reports, eyes that said everything would be okay, laughter again, a heart that sang Amazing Grace, stillness, prayer, inevitable circumstances, trust , hope and the tie that binds. In the end, God showed himself faithful, compassionate and kind.
ReplyDeleteHay.. ang haba na.. what i want to say is God is working behind the scenes on our behalf.. a matter of faith.. a matter of trust.